pklp

Next Lesson (Hubog ng Lupa, Dugo ng Kultura) →


Kahulugan ng Kamalayang Pangkasaysayan

Ang aralin ay tungkol sa “Kamalayang Pangkasaysayan ng Pilipino” — ang pag-unawa sa nakaraan bilang gabay sa pagbubuo ng kasalukuyan at hinaharap.

I put the differences up here cuz I find it easier to remember formatted this way. Sue me
Mula sa Kaalaman Patungo sa Kamalayan

May dalawang antas ng pag-unawa sa kasaysayan:

Kaalamang PangkasaysayanKamalayang Pangkasaysayan
KahuluganPag-alam at pagkalap ng impormasyon (petsa, tao, lugar)Pagbibigay-kahulugan at paglalapat ng impormasyon
TutokKatotohanan (facts) at obhetibong datosUgnayan, epekto, aral (impact) at kritikal na pagsusuri (critical thinking)
DireksyonPag-aaral kung ano ang nangyari sa nakaraanPaggamit ng nakaraan para sa kasalukuyan at hinaharap

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.”

Ibinabalangkas ng aralin ang paglipat ng paradigma mula sa Kaalamang Pangkasaysayan (Pag-alam) patungo sa Kamalayang Pangkasaysayan (Paglalapat) — isang daan na makikita rin sa kasaysayan ng bansa: 1896 (Paggising) → 1946 (Kasarinlan) → 1986 (People Power).

I genuinely have no idea what that means. Image below holy shit. Should use a mermaid diagram..


Salaysay + Saysay = Kasaysayan

Ayon kina Zeus Salazar at Prospero Covar, ang tunay na kasaysayan ay hindi lamang listahan ng mga pangyayari:

  • Salaysay — ang paglalahad ng mga matingkad na pangyayari
  • Saysay — ang kahulugan, kahalagahan, o halaga ng mga ito
  • Kasaysayan = Salaysay + Saysay

Ang salitang Ingles na history ay mula sa Griyegong historia, na nangangahulugang “kaalamang nakuha sa pamamagitan ng imbestigasyon” — kailangan ng aktibong pagsusuri, hindi pasibong pagsasaulo.


Kamalayan: Ang Ugnayan ng Isip at Puso

Nangangailangan ang Kamalayan ng parehong talino at malalim na damdaming nakikiramay:

  • Ang Isip (ugat na Malay) — ang pagiging gising at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sarili, sa iba, at sa kapaligiran
  • Ang Puso (kahulugang Kamalayan/Pag-unawa) — aktibong kalagayan ng pagdama at pagbibigay-kahulugan sa mga karanasan

Ayon kay Virgilio Enriquez (Sikolohiyang Pilipino), ang kamalayan ay hindi lamang pag-iisip — saklaw din nito ang emosyonal na dimensyon na nag-uugnay sa personal na pagkakakilanlan sa kolektibong pakikibaka ng lipunan (Renato Constantino).


Kahulugan ng Kasaysayan

  1. Bilang Gabay ng Lipunan

Tatlong dayuhang pananaw:

HistoryadorDepinisyon ng Kamalayang Pangkasaysayan
Jörn RüsenProseso ng pagbibigay-kahulugan upang magsilbing gabay sa pag-unawa sa kasalukuyang buhay
Peter SeixasPag-iisip nang historikal sa pamamagitan ng pagsusuri sa ebidensiya at pagkilala sa iba’t ibang pananaw
Stéphane LévesqueNabubuo sa paggamit ng mga sanggunian tungo sa makatwirang interpretasyon ng nakaraan
  1. Mula sa Karanasan ng Pilipino

At mula sa Pantayong Pananaw — kasaysayan mula sa pananaw, wika, at karanasan ng mismong Pilipino (emic perspective):

HistoryadorPananaw
Dr. Zeus A. SalazarPantayong Pananaw — kasaysayan mula sa panloob (emic) na pananaw ng Pilipino
Teodoro A. AgoncilloIsalaysay mula sa pakikibaka at mithiin ng sambayanang Pilipino
Reynaldo C. IletoHistory from Below — kasaysayan mula sa karanasan at pananaw ng karaniwang masa
Ambeth Ocampo / Floro QuibuyenAktibong proseso ng pagbibigay-kahulugan upang makapaglatag ng mas mabuting direksiyon sa bansa

Mga Palatandaan ng Taong May Kamalayan

  1. Pag-uugnay ng Panahon — nakikita ang koneksyon at daloy ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap
  2. Kritikal na Pagsusuri — hindi agad naniniwala; sinisiyasat ang mga sanggunian laban sa fake news
  3. Aktibong Pakikilahok — nakikisangkot sa mga usaping panlipunan batay sa mga aral ng kasaysayan
  4. Pagpapahalaga sa Pamana — kinikilala ang ambag ng mga bayani at ng mga karaniwang mamamayan

Katangian ng Isang Mapanuring Mamamayan

  1. May Empatiya — inuunawa ang damdamin at kalagayan ng mga tao sa konteksto ng kanilang sariling panahon
  2. Kritikal na Mapanuri — tinitimbang ang iba’t ibang bersyon, pananaw, at ebidensiya bago bumuo ng konklusyon
  3. Mapagnilay (Reflective) — iniuugnay ang mga pangyayari sa kasaysayan sa sariling buhay at desisyon
  4. May Pakikisangkot — ginagamit ang natutuhan upang maging makatarungan at responsableng bahagi ng komunidad

Ang Ugat ng Ating Pambansang Pagkakakilanlan

Gamit ang metapora ng puno na malalim ang ugat, apat na paraan kung paano nakatutulong ang kamalayang pangkasaysayan:

  • Pag-iwas sa pag-uulit ng pagkakamali — ginagamit ang mga karanasan bilang babala at gabay para sa komunidad
  • Paglinang ng kritikal na pag-iisip — matibay na panlaban sa historical distortion at maling impormasyon
  • Pagbuo ng pagkakakilanlan — pag-unawa sa ating pagiging Pilipino
  • Pagmamahal sa bayan

“Ang kasaysayan ay ang paghubog sa hinaharap.”


i don't get it bro.. graphics are confusing and there are a lot of weird Filipino terms

Next Lesson (Hubog ng Lupa, Dugo ng Kultura) →


Notes