Tatlong Haligi ng Kamalayang Pangkasaysayan
Mayroong tatlong parte ng ‘identity’ ng isang bansa, na tinatawag na Triad of Identity.
Haligi Kahulugan Ibang Impormasyon Heographiya Pisikal na katangian at likas na yaman Galing sa Griyegong geo(daigdig) atgraphia(gumuhit)Kabuhayan Mga gawaing tumutogon sa pang-araw-araw na pangangailangan Pagsasaka, pangangaso, at paghahabi ay mga klase nito. Karaniwang ibinibigay ng gobyerno ang kompensasyon sa mga manggagawang ito. Kultura Nakasanayang tradisyon, paniniwala, at pananaw sa lipunan Nandito rin ang relihiyon o arbitraryong bagay na nagbibigay identidad sa isang bansa tulad ng arranged marriage
Ito ay binibilang na Tatlong Haligi ng Kamalayang Pangkasaysayan.
Batayang Kaisipan
Hindi nagkataon lamang ang pagkakaiba ng mga pamayanan sa Pilipinas. Ang anyong lupa, tubig, at klima ay direktang nagdidikta ng uri ng hanapbuhay, na sa paglipas ng panahon ay tumitibay bilang kultura at kasaysayan.
Dalawang Anyo ng Pag-Angkop: Ilaya at Ilawod
Ang Ilaya at Ilawod ay dalawang uri ng pag-angkop na sa mabilis na salita, ay ang pagkakaiba ng mga kabuhayang kabundukan at kabuhayang pang-alon.
| Ilaya (Bundok) | Ilawod (Baybayin) | |
|---|---|---|
| Kapaligiran (Heograpiya) | Matataas na lugar, malamig na klima, masaganang kagubatan, pinagmumulan ng ilog | Kapatagan, tabing-dagat, mga bukana ng ilog |
| Pagtugon (Kabuhayan) | Pagsasaka sa gilid ng bundok, pangangaso, pangangalap ng yamang-gubat | Pangingisda, pangangalakal sa dagat, paggawa ng bangka |
| Pamumuhay (Kultura) | Paggamit ng bato at kahoy, malalim na ugnayan sa lupa at kagubatan | Ugnayan sa alon at hangin, bukas na interaksyon sa mga dayuhan sa pantalan |
Ang mga kabundukan ay karaniwang mas malamig kaysa sa mga lugar na mas mababa — kaya naman iba rin ang uri ng kabuhayan at pamumuhay na umuusbong sa bawat isa.
Karagdagang Detalye: Tatlong Sona ng Kabundukan
- Zone 1 — Tuktok at Kagubatan (Heograpiya): malamig na klima, siksik na kagubatan; dito nagmumula ang suplay ng tubig
- Zone 2 — Gilid ng Bundok (Kabuhayan): matatarik na dalisdis na ginawang hagdang-hagdang taniman ng palay; lugar din ng pangangaso at pangangalap
- Zone 3 — Pamayanan (Kultura): mga estrukturang yari sa lokal na materyales, dinisenyo upang labanan ang lamig ng klima
Karagdagang Detalye: Pagtukoy sa mga Pamanayang Ilaya sa Hilaga
Ang Mga Igorot: Mga Dalubhasa sa Pag-Angkop
Ang mga Igorot ay hindi iisang tribo, kundi isang kolektibong tawag sa iba’t ibang pangkat-etnolingguwistiko sa Cordillera. May kaniya-kaniya silang diyalekto at tradisyon, ngunit pinag-iisa sila ng kanilang matatag na pagkakakilanlan at malalim na koneksyon sa kalikasan.

Tandaan
Ang bawat pangkat sa itaas ay may sariling diyalekto at tradisyon — magkakaiba sila, pero iisa ang ugat na pagkakakilanlang “Igorot” na hango sa malalim na koneksyon sa kabundukan.
Mula sa Hamon ng Lupa Patungo sa Tradisyon
Tatlong hakbang kung paano hinubog ng heograpiya ang tradisyon ng mga Igorot:
Pisikal na Hamon → Aksyong Pangkabuhayan → Halagahang Pangkultura
Uri Detalye Imahe Pisikal na Hamon (Constraint) Matarik na lupa at mahirap na kalupaan Aksyong Pangkabuhayan (Adaptation) Pagsasaka (pag-ukit ng taniman), pangangaso, at paghahabi ng makakapal na tela panlaban sa lamig Halagahang Pangkultura (Value) Paggalang sa kalikasan bilang tagapagbigay-buhay, at matibay na sistema ng pagtutulungan sa pamayanan (Bayanihan sa kabundukan)
Hagdang-hadgang Palayan: Ang Pisikal na Katangian
Ang mga hagdang-hagdang palayan (rice terraces) ng Cordillera ay konkretong patunay kung paano nag-ugnay ang heograpiya, kabuhayan, at kultura sa iisang anyo:
- Ang Daloy ng Tubig (Heograpiya) — ang kagubatan sa itaas ang nag-iipon ng tubig at nagpapadaloy nito pababa
- Ang Mapanlikhang Inhenyeriya (Kabuhayan) — mga pader na gawa sa bato ang pumipigil sa pagguho ng lupa upang makapagtanim ng palay
- Ang Pamanang Kaalaman (Kultura) — may sagradong ritwal sa pagtatanim at pag-aani na ipinasa sa maraming henerasyon

Aral ng Ilaya Para sa Kasalukuyan
Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling totoo ang batas ng kalikasan: ang patuloy na pag-unlad ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kung paano natin ginagamit nang wasto ang likas na yaman. Ipinakita ng mga Pamayanang Ilaya na ang tunay na pag-unlad ay hindi ang pananakop sa kalikasan, kundi ang mabisang pag-angkop dito.

Pagninilay
Paano hinuhubog ng iyong heograpiya ang iyong pagkakakilanlan?
Katulad ng mga Igorot sa matatarik na bundok ng Cordillera, ang bawat Pilipino ay patuloy na hinuhubog ng kaniyang kapaligiran.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa ugnayan ng lupa, kabuhayan, at kultura, mas napahahalagahan natin ang ating sariling kamalayang pangkasaysayan bilang Pilipino.
So cool! I just discovered these cool ass like banners with the questions and tags nad stuff :D Will reuse. Think this might be my best as of Aug 11, I might remodify previous ones but I'm okay with this.





