← Previous Lesson (Kahulugan ng Komunikasyon) Next Lesson (Intrapersonal na Komunikasyon) →
Origin
Ang komunikasyon ay nanggagaling sa salitang Latin na:
Communis: Karaniwan
Mayroong iba’t ibang uri ng komunikasyon na inimbento para sa pag-unawa natin.
Morales - Nuncio et., al.
Galing 2014, sinabi niya na mayroong tatlong uri ng komunikasyon.
- Oral
“Tinatawag ding pagbigkas, pinakapundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa mahabang henerasyon.”
- Pasulat
“Nakabatay sa alpabeto, gramar, o istruktura ng wika at kumbensyong pang-wika (protocol at etika, etnograpiya ng komunikasyon, kontekstong cultural) o ang pagsulat ng isang tao.”
- Computer - Mediated
“Sa ngayon, kasama na ang computer mediated communication (CMC) dulot ng pagpasok ng internet.”
Maranan
Para sa kanya, mayroong namang dalawang uri lamang ng komunikasyon.
-
Komunikasyon Berbal
Ito ay ginagamitan ng wika na maaaring pasulat man o pasalita. Mayroong tatlong uri naman dito.
Anyo Kahulugan Intrapersonal Ito ay komunikasyong pansarili ginagamit para maintindi ang sarili. Interpersonal Sinasabing ito ang komunikasyon sa ibang mga tao, Lalo na sa usaping nangangailangan ng matalinong pahayag. Pangmadla Uri ng berbal na komunikasyon na kasangkot ang masa o midya sa pakikipagtalastasan.
-
Komunikasyon Di-berbal
Kinasasangkutan na man ng mga kilos na hindi sinasabi. Sa Ingles ay inaalam ito bilang
body language.
Anyo Kahulugan Halimbawa / Detalye Kinesiks Pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. Pagkaway, pagtango, at pagtindig. Proxemics Pag-aaral ng espasyo sa pagitan ng iba’t ibang tao para sa pagbigay ng mensahe. Intimate, Normal, atbp. Iconics Komunikasyon gamit ang iba’t ibang icon o sign. Mga simbolo o signage. Haptics Komunikasyon na gumagamit ng pandama. Ang pinakaprimitibong paraan ng komunikasyon. Minsan ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon (hal. paghawak, pagyakap). Colorics Komunikasyon na gumagamit ng kulay para sa pagmensahe ng emosyon. Paggamit ng kulay (hal. pula para sa pag-ibig o galit). Chronemics Komunikasyon gamit ang oras para sa isang mensahe. Paggamit ng oras (hal. pagiging maaga o huli).
← Previous Lesson (Kahulugan ng Komunikasyon) Next Lesson (Intrapersonal na Komunikasyon) →