mk

Next Lesson (Uri ng Komunikasyon) →


Origin

Ang komunikasyon ay nanggagaling sa salitang Latin na:

Communis: Karaniwan

Ang nakakapagpatibay sa isang mabisang komunikasyon ay ang pag-unawa at pagpapahalaga. Ito’y may maraming pang definition..


Iba’t Ibang Kahulugan ng Komunikasyon

Paul J. Meyer
 (Left Empty)
Webster’s Dictionary

Ayon sa Webster’s Dictionary, ang komunikasyon ay:

”.. pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon.” ”.. pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan.”

Dr. Maranan

Sa taong 2018 ay sinabi niya ang kahulugan ng komunikasyon ay:

“Pagpapabatid ng mensahe mula sa tagapaghatid tungo sa tagapagtanggap.”

Sinabi rin niya na maroong 5 Makrong Kasanayan (Malaking Ambag):

  1. Pakikinig
  2. Pagsasalita
  3. Panonood
  4. Pagbasa
  5. Pagsulat
Atienza

Binubuo ang komunikasyon sa dalawang panig:

“Isang nagsasalita, at isang nakikinig.” ”.. nakikinabang ng walang lamangan.”

Ruben

Sa taong 1987 ay sinabi niya na ang komunikasyon ay:

“Mabuti at mabisang pakikipagtalastasan ay maayos, maganda, malinis, tama, at epektibong pagpapahayag ng anumang naiisip, nadarama at nakikita sa paraang pasalita/pasulat.”

Arrogante et al..

Sa taong 2012 ay sinabi niya:

“Ang may kapangyarihang humubog ng identidad, mapanatili ang ugnayang pantao, at mapanagot ang kultura ng isang lipunan.”


Kahalagahan ng Komunikasyon

  1. Pinatatag ang ugnayang pansarili at pangkapwa
  2. Pinalalakas ang kamalayang panlipunan
  3. Pinabubuti ang kasanayan sa postmodernong panahon
  4. Pinagiisa ang ugnayang pangkabuhayan at pampulitika

Bahagi ng Komunikasyon

  1. Konteksto

Ang impormasyon kung saan nagaganap ang isang komunikasyon.

AnyoKahulugan
PisikalPisikal na factor. Paligid, Temperature, Klima, Direksyon, Oras, etc..
SosyalTumutukoy sa mga tao, pag-uusap.
HistorikalTungkol sa dating pagsalaysay/pangyayari.
SikolohikalEmosyon, behaviour, damdamin.
KulturalPaniniwala, pagpapahalaga, panggalingan.
  1. Participants

Ang mga kalahok sa isang komunikasyon.

AnyoKahulugan
TagatanggapAng nakatanggap ng mensahe.
TagapagbatidNagbibigay ng mensahe.
  1. Mensahe

Ang pinag-uusapang ideya na ipinapahayag ng isang tao.

AnyoKahulugan
SimboloSalita, tunog, o kilos.
EncodingAng pinagiisipan natin, ito ang proseso ng pagdedevelop ng ideya.
DecodingAng binigay na mensahe upang itanggap at iproseso ang ideya.
PagbuoSistemang pagkakasunod ng mga kaisipang inilalahad.
  1. Tsanel / Medium

Kung saan dumadaan ang mensahe, katulad ng text, letter, o salita.

  1. Fidbak

Ang mensahe na tugon sa nagbatid, binigay o tinanggap.

  1. Ingay / Sagabal

Ang nakakapagbagal o makakahinto na pangyayari para hindi maintindi ang mensahe.

AnyoKahulugan
PanloobAng iyong mga isip.
PanlabasIngay galing sa ibang tao o kapaligiran.

SPEAKING Model

Isa itong model na inimbento ni Dell Hymes na mayroong 8 na parte.

LetraSalitaKahulugan
SSetting (Saan)Lugar / Lokasyon
PParticipants (Sino)Ang mga taong nag-uusap
EEnds (Layunin)Layunin
AAct Sequence (Paano)Pagkakasunod ng pangyayari
KKeys (Tono)Paraang sasabihin
IInstrumentalities (Ano)Anong gagamitin
NNorms (Pamalayan?)Kulturang pinapaligid ang sitwasyon
GGenre (Uri)Anyo ng interaksyon

Next Lesson (Uri ng Komunikasyon) →


Notes